Bukas Na ang OWWA E-Card Registration sa Kuwait

Magandang balita para sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa Kuwait! Bukas na ang registration para sa OWWA E-Card simula ngayong Setyembre 1, 2026.

Ang OWWA E-Card ay nagsisilbing patunay ng aktibong membership sa Overseas Workers Welfare Administration at maaaring magamit upang mas madaling ma-access ang mga programa at serbisyong nakalaan para sa mga miyembro.

Paano Mag-register?

Bago magpatala, tiyaking aktibo ang inyong OWWA membership. Pagkatapos, sundin ang mga sumusunod na hakbang:

  1. I-scan ang opisyal na QR Code gamit ang inyong mobile phone. Kung hindi ito ma-scan, maaaring gamitin ang registration link: https://tinyurl.com/OWWAECARD
  2. Punan nang tama at kumpleto ang lahat ng kinakailangang impormasyon sa registration form.
  3. Hintayin ang confirmation email na naglalaman ng inyong schedule at venue para sa E-Card issuance. Regular ding tingnan ang Spam o Junk folder dahil maaaring mapunta roon ang mensahe.
  4. Kapag natanggap na ang confirmation email, magtungo sa itinakdang venue sa eksaktong petsa at oras na nakasaad sa inyong schedule.

VENUES AND DATES

October 26 to November 13, 2026
The Tent, Philippine Embassy – Kuwait
Sabah Al Salem

November 20 to 21, 2026
Al Barakah Hall
Crowne Plaza Hotel, Farwaniya

November 22, 2026
Al Murjan Hall
Crowne Plaza Hotel, Farwaniya

Mahalagang Paalala

Huwag pumunta sa venue kung wala pang natatanggap na confirmation email. Ang kumpirmasyon ang magsisilbing patunay na mayroon na kayong nakatalagang schedule para sa pagproseso at pagkuha ng OWWA E-Card.

Hinihikayat ang mga kwalipikadong OFW sa Kuwait na mag-register nang maaga at tiyaking tama ang kanilang email address at iba pang impormasyong ilalagay sa form upang maiwasan ang problema o pagkaantala sa kanilang aplikasyon.

Nakapag-register ka na ba para sa OWWA E-Card?

Kung nahihirapan kang mag-register, mag-message lamang sa WhatsApp: +965 9403 9063 para sa tulong.

Related Posts

What Can You Say About This?

Comments

Add Comment