Bukas na ang overseas voter registration para sa 2028 Philippine National Elections. Maaari nang magparehistro ang mga kwalipikadong Pilipino sa Kuwait hanggang Setyembre 30, 2027.
Sino ang maaaring magparehistro?
Maaaring mag-apply ang Pilipinong:
- Nakatira o nagtatrabaho sa Kuwait;
- Hindi pa rehistradong botante;
- Rehistrado sa Pilipinas ngunit nais ilipat ang voting record sa Kuwait;
- May deactivated overseas voter record;
- Kailangang magpalit ng address o magwasto ng impormasyon; at
- Hindi bababa sa 18 taong gulang sa Mayo 8, 2028.
- Mga kailangang dalhin
- Orihinal na valid Philippine passport;
- Photocopy ng passport information page;
- Para sa dual citizen, Identification Certificate o dokumento ng retention/reacquisition of Philippine citizenship.
Proseso ng pagpaparehistro
Pumunta sa Philippine Embassy sa Kuwait dala ang mga kinakailangang dokumento.
Isumite ang OVF-1 ( available sa embahada ) at passport copy.
Kukunan ka ng litrato, fingerprint at iba pang biometric information.
Kunin at itago ang acknowledgment receipt bilang patunay ng iyong application.
Libre ang overseas voter registration. Hindi rin kailangan ang lumang Voter’s ID.
Saan pupunta?
Philippine Embassy in Kuwait
Buildings 256–257, Street 213 corner Street 215
Block 2, Sabah Al Salem, Kuwait
Ang kasalukuyang public service schedule ay Sunday hanggang Thursday. Dahil maaaring magbago ang oras, holidays at appointment policy, makabubuting tingnan muna ang official Facebook page ng Philippine Embassy in Kuwait bago pumunta.
Paalala: Kung rehistrado ka na sa Kuwait, huwag magparehistro ulit. Alamin muna kung active ang iyong record; kung deactivated, mag-file lamang ng application for reactivation.






