GOOD NEWS PARA SA MGA OFW AT KANILANG PAMILYA! Patuloy ang pamamahagi ng 25 kilo ng bigas bilang tulong sa mga kwalipikadong overseas Filipino workers (OFWs) at kanilang pamilya sa ilalim ng assistance program na ipinatutupad ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa mga piling lugar.
Mahalagang linawin na ang 25KG Rice Assistance ay hindi awtomatikong benepisyo para sa lahat ng OFW sa buong Pilipinas. Ang eligibility ay nakadepende sa partikular na programa, lugar na sakop ng distribution, at verification ng OWWA.
Ano ang mga requirements?

Sa rice distribution na isinagawa sa Catanduanes, maaaring kailanganin ang mga sumusunod:
Kung OFW mismo ang kukuha:
- Passport
- Valid government-issued ID
- Proof of residency, kung kinakailangan
- Verification ng OFW record sa OWWA
Kung nasa abroad ang OFW:
Maaaring tumanggap ang kwalipikadong asawa, anak, magulang, o iba pang authorized/qualified family member, depende sa guidelines ng OWWA. Kailangang magdala ng:
- Valid ID ng claimant
- Proof of relationship sa OFW
- Iba pang dokumentong maaaring hingin ng OWWA para sa verification
Paano kung inactive ang OWWA membership?
Para sa distribution na isinagawa sa Catanduanes, sinabi ng OWWA Bicol na maaaring makatanggap ang OFWs kahit active o inactive ang kanilang OWWA membership, basta mayroon silang record sa ahensya at pasok sila sa mga kwalipikadong benepisyaryo ng programa.
Hindi lahat ng OFW ay automatic na makakatanggap
Ang rice assistance na ito ay bahagi ng tulong para sa mga OFW at kanilang pamilya na naapektuhan ng mga kalamidad. Kaya hindi nangangahulugan na lahat ng OFW sa Pilipinas o abroad ay maaari nang pumunta sa pinakamalapit na OWWA office at kumuha ng 25KG na bigas.
Ang availability, qualifications, requirements at schedule ng distribution ay maaaring magkakaiba depende sa rehiyon o probinsya.
Pinapayuhan ang mga OFW at kanilang pamilya na makipag-ugnayan muna sa kanilang OWWA Regional Welfare Office bago pumunta upang malaman kung kabilang ang kanilang lugar sa programa at kung kwalipikado silang makatanggap.
PAALALA: Huwag basta maniwala sa mga social media post na nagsasabing lahat ng OFW ay may libreng 25KG rice. I-verify muna ang impormasyon sa OWWA at sa inyong Regional Welfare Office upang maiwasan ang maling impormasyon.







Sana makatanggap din aq ng bigas repat din po aq