HINDI TOTOO na 10K lang ang tulong para sa repatriated OFWs.

Ang ₱10,000 na assistance pagdating sa Pilipinas ay agarang tulong lamang at hindi ito ang kabuuang suporta na maaaring matanggap ng isang OFW na bahagi ng repatriation effort ng pamahalaan.

Narito ang paglilinaw:

  • Ang ₱10,000 arrival assistance ay agarang ibinibigay sa repatriated OFW pagdating sa Pilipinas.
  • Ito ay bukod pa sa ₱10,000 onsite assistance at karagdagang ₱10,000 mula sa OWWA.
  • Sa kabuuan, maaaring makatanggap ang isang repatriated OFW ng hindi bababa sa ₱30,000 na direktang financial assistance.
  • Hiwalay pa rito ang gastos ng pamahalaan sa repatriation at iba pang kinakailangang suporta tulad ng accommodation, food, at transport.
  • Maaari ring magkaroon ng karagdagang tulong matapos ang assessment para sa legal, welfare, at medical needs, na umaabot mula ₱50,000 hanggang ₱75,000 kapag may serious medical condition ang OFW.
  • Ang AKSYON Fund ay ginagamit din para sa legal assistance, labor cases, at iba pang agarang ayuda para sa OFWs.
  • Ang mga biktima ng illegal recruitment at human trafficking ay maaari ring makatanggap ng hanggang ₱50,000 combined financial assistance mula sa DMW at OWWA, subject sa kaukulang assessment.

Dagdag na paglilinaw tungkol sa AKSYON Fund

Ang halagang ₱10,000 ay itinakda batay sa pondong nakalaan sa ₱2 Billion AKSYON Fund sa simula ng 2026. Ngunit sa harap ng mas malawak na pangangailangan bunsod ng krisis sa Gitnang Silangan, dinagdagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng ₱3 Billion ang pondong inilaan para sa pagtulong sa mga apektadong OFW.

Mahalaga ang dagdag na pondong ito dahil mas marami pang OFW at kanilang pamilya ang maaaring maabot ng tulong, kabilang ang suporta sa ilalim ng Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) Program. Kasalukuyan nang ipinamamahagi ang kaukulang financial assistance sa mga kwalipikadong benepisyaryo.

Ang ₱10,000 ay agarang tulong, hindi kabuuang halaga ng suporta.

Source: Department of Migrant Workers (DMW)

Related Posts

What Can You Say About This?

Comments

Add Comment