Tatlong OFW ang nasawi sa sunog na tumupok sa isang residential building sa Kuwait nitong Miyerkules.
Ito ang kinumpirma ni Department of Migrant Workers Spokesman Toby Nebrida kaugnay sa patuloy na monitoring ng gobyerno sa nangyaring insidente sa Kuwait.
Nasa ligtas na kondisyon ang limang Overseas Filipino Workers na naunang napaulat na nawawala matapos masunog ang isang gusali sa Kuwait.
Ito ang kinumpirma ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Arnel Ignacio sa panayam ng DZME 1530 ang Radyo Uno.
Kinilala ang mga nakaligtas na sina Mario Dimayacyac Abrenica; Jimmy Gonzales Cancino; Noriel Andaya Badion; Ralph Villanueva Aguero; at Raymond Magpantay Gahol.
Sa ulat, On duty o nasa trabaho ang mga Pinoy pero wala sa loob ng building nang mangyari ang sunog.
Samantala, ayon sa OWWA ang tatlong nasawi sa insidente ay sina Jesus Oliveros Lopez isang Iron Worker; Edwin Petras Petilla na Quantity Surveyor sa Kuwait at si Jeffrey Fabrigas Catubay na Document Controller.
Source DZME1530