Para po mas malinaw sa inyo mga kabayan, narito ang advisory ng MWO Kuwait patungkol sa Indemnity na sinalin natin sa wikang Pilipino.
Mga katanungan patungkol sa Indemnity.
Tanong: Ano and Indemnity?
Sagot:Ang Indeminity ay and ‘end of service’ payment ng mga domestic workers na dapat nilang matanggap pagkatapos ng kanilang kontrata. Ito ay nakasaad sa Article 23 ng Domestic Worker Law ng Kuwait.
Ang Domestic Worker Law ay ipinatupad noon June 2015 ngunit ang epekto nito ay naramdaman lamang noong July 1, 2017.
Tanong: Sinu ang pweding makatanggap ng Indemnity?
Sagot: Ang mga kasambahay na nagtrabaho sa iisang amo simula 1 Hulyo 2017, kung kailan nagkabisa ang Batas Kasambahay ng Kuwait.
Tanong: Paano kinikwenta ang Indemnity?
Sagot: Ganito kinukuwenta ang halaga ng matatanggap na indemnity: Sa bawat isang taon ng serbisyo ay may indemnity na katumbas ng isang buwang suweldo, sa kondisyong natapos ng kasambahay ang kanyang dalawang-taong kontrata sa kaparehas na amo.
Tanong: Sino and magbabayad ng indeminity?
Sagot: Ang indemnity ay babayaran ng Amo.
Tanong: Paano makukuha ang iyong indemnity?
Sagot: Importanteng makipag-usap muna sa Amo tungkol sa bagay na ito. Kapag ang employer ay tumangging magbayad ng indemnity, maaaring bumisita ang empleyado sa tanggapan ng Migrant Workers Office in Kuwait or mag-email dito sa [email protected]
Tanong: Ano ang kailangan para makapag-file ng reklamo patungol sa indemnity?
Sagot: Ang mga bagay na to ang magsisilbing requirements sa pag-file ng indeminity.
- Kopya ng iyong kontrata kung saan merong pirma ng employer at worker. Ito ay dapat din biripikahin ng MWO;
- Kopya ng iyong Civil ID.
- Kopya ng iyong passport.
Narito ang kopya sa baba ng advisory na maari niyo ipakita sa inyong mga Amo
Panoorin ang video para sa detalye