Kamakailan lang naganap ang inaantabayanang Mr. Pilipino Sa Kuwait 2021 kung saan dinaluhan ito ng mga makikisig na Overseas Filipino Workers mula sa iba’t ibang panig ng bansa. Bawat isa ay nagpakita ng kapogihan, kakaibang talento at husay sa pagsagot sa mga tanong na ibinigay sa kanila.
Ang pangunahing parangal ay nasungkit ni Angelo Primo Pimentel ng Marinduque. Nakuha din niya ang parangal na Social Media Personality at Dreens Scents Awardee. Nagkamit siya ng mga papremyo kagaya ng round trip ticket to the Philippines, pocket money na 16,000 Pesos mula sa Dadabhai travel, cash prize na 30,000 pesos mula sa mga sponsor na Get Dukan, Careem,Payremit, International Culinary art Kuwait at one year supply of perfume at marami pang iba.
Ang ikalawang parangal naman ay nasungkit ni Gener Laserna Jr. ng Laguna kung saan itinanghal din siyang Best in Natcos, Best in Ramp, at Dreen’s Scents Awardee. Nakatanggap si Laserna ng papremyo kagaya ng cash prize na 25,000 pesos mula sa mga sponsor na Get Dukan, Careem, Payremit at free course at the international culinary school in Kuwait, 1 night stay at Kabayan Hotel, 1 year supply of perfume at marami pang iba.
Ang itinanghal naman na 2nd runner up ay si Michael Beredo ng Quezon Province. Siya rin ang PSK 2021 Mr. Hunk By ZQ8 international. Nagkamit si Beredo ng cash prize na 20,000 pesos mula sa mga sponsor na Get Dukan, Careem, at ng Payremit may free course din mula International Culinary Art School in Kuwait at Free Kickboxing Course Courtesy of ZQ8 International.
Ang ibang mga nanalo ay sina: Gino Silvestre (General Santos) bilang Most Photogenic, Paul Natividad (Rizal) bilang Best in Formal Wear, Danly Gonzales (Pampanga) bilang Mr. Congeniality, Dionisio Lapuz Jr. (Bicol) na nagkamit ng Best in Talent, Best in Production Number at kabilang sa Top 5 Finalist kasama si Arjay Tumang ng Tarlac.
Ang mga hurado ay kinabibilangan ni Ivy Laughton, Marlon Aquino, Malinao, Terrence John Dela Cruz, Reden Perolino Elaco, at Mariam G. Raed. Ang nasabing patimpalak ay dinaluhan din ni Embassy of Kuwait Vice Consul, Atty. Josel Mostajo, Aaron Aguilar Lozada, at POLO OWWA Welfare Officers na sina Emmanuel Diaz, Genevieve Ardiente at Louella Marie Calanza.
Upang dumagdag sa kasiyahan, nagpaunlak naman ng kanilang talento sa pagsayaw ang Next Episode Crew at si Maria Elleze na naghandog ng kanta.
Binigay ng lahat ng finalist ang kanilang nakakayanan at pinakita sa lahat ang kanilang mga talento lalo na sa kanilang national costume at fomal wear. Nakipagtagisan sa Q & A mula sa mga hastag na tanong hanggat sa final judges na tanong, pero sa bandang huli tatlo lang ang mapalad na nanalo sa patimpalak.
Nagpapasalamat ang organisasyon sa mga kabilang sa patimpalak na ito lalo na yung hindi pinalad na makakuha ng mga special award sina Mark Go ng Davao, Clifford Delera ng Misamis Oriental, Rex Reyes Quirino Province, Kristian Tabuada ng Quezon City , Johson Catbagan ng Pangasinan at Warren Razon ng Bataan. Hindi man sila pinalad naipakita naman nila ang kanilang pakikisama at mga nakatagong abilidad at nakakuha ng mga bagay mula sa organisasyon at sa mga sponsors.
Ang mga sumusunod naman ang naging sponsor ng nasabing patimpalak. Sila ang tumulong upang maging matagumpay ang Mr. Pilipino sa Kuwait 2021.
Dadabhai Travel,Get Dukan,Careem,International Culinary Arts,PayRemit,Jerry’s, Extreme and Pinoy Taste,Kabayan Resort,Metrobank,SSS
Al Mulla Exchange,Carlton Tower Hotel .Reynald Miranda Photographer bilang official Photographer,Telefonati ,Dreen’s Flower’s and Scents at ng ZQ8 International.
Ang patimpalak ay ginanap sa Carlton Tower Hotel, Kuwait City.
Congratulations sa lahat ng nanalo!