Para sa overseas Filipino worker (OFW) na si Almedo “Ed” Lopez, ang paghahanap-buhay sa ibang bansa ay maituturing na malaking sakripisyong kinakailangang gawin upang mabigyan ng maginhawang buhay ang kanyang pamilya. Nitong Marso, lumipad si Lopez patungong Namosa, Suva, Fiji Islands, upang magtrabaho bilang isang quality supervisor sa isang water bottling company. Ito na sana ang katuparan ng kanyang pangarap para sa pamilya, ngunit sa kasamaang palad ay nauwi ito sa hindi mabuting karanasan.
Noong Hulyo 1, 2021, tumugon si Lopez sa isang survey na ipinadala ng Abizo OFW App na naka-install sa kanyang cellphone. Ang Abizo OFW App ay isang digital monitoring system na bahagi ng POEA (Philippine Overseas Employment Agency) OFW Global Monitoring Pilot Project sa pangunguna ni POEA Administrator Bernard Olalia. Naglalayon itong subaybayan ang kasalukuyang bilang ng mga OFW na nasa ibang bansa, at alamin ang tamang impormasyon ukol sa kanilang deployment location, employer, at kondisyon sa trabaho at pamumuhay.
Sa pamamagitan ng app, isinalaysay ni Lopez ang kanyang sitwasyon sa trabaho kung saan nakararanas siya ng ilang pang-aabuso mula sa kanyang employer tulad ng verbal abuse, suspension without due process, sapilitang pagtanggap ng 20% pay cut o awas sa sweldo, at pagtatrabaho ng 12 oras kada araw. Sa parehong araw, agad na tinugunan ng Abizo OFW App ang kanyang mensahe at ipinasa ang kanyang reklamo sa mga kinauukulan.
Matapos maghain ng ulat sa POEA, naisagawa ang pagpupulong para sa agarang pagpapalabas ng “Notice of Repatriation” para kay Lopez, sa pangunguna ni Deputy Administrator (DA) Villamor S. Plan ng Welfare and Employment Office ng POEA (WEO-POEA). Agad naman itong naipasa at inasikaso ng insurance provider ni Lopez, ang Fortune Life Insurance Company Inc. at Fortune General Insurance Corporation, sa pamamagitan ng AAB Management Service at Insurance Intermediaries Inc., upang agad na mapauwi ang inabusong OFW sa bansa.
Bagamat “direct hire” OFW si Lopez at hindi kinakailangang kumuha ng Compulsory Insurance Coverage para sa mga Agency-Hired Migrant Workers (kilala rin bilang Agency-Hired OFW Compulsory Insurance), itinuring niyang investment ang package na inalok ng Fortune Life at Fortune Pangkalahatan bago siya umalis ng bansa matapos makita ang maraming benepisyo at abot-kayang presyo nito. Isa rin sa naging konsiderasyon ni Lopez sa pagkuha ng insurance ay ang access sa Abizo OFW App na nagbibigay kakayahan sa mga katulad niyang OFW na direktang makahingi ng tulong sa mga awtoridad sa oras ng pangangailangan, lalo na’t walang tanggapan ng embahada ng Pilipinas sa Fiji Islands.
Base sa Republic Act (RA) No. 10022, na bumabago sa RA N0. 8042 o ang Migrant Workers and Overseas Filipino Act (MWOFA) ng 1995, ang kaso ni Lopez ay sakop ng Repatriation Benefit, kaya naman agad siyang nabigyan ng plane ticket ng Fortune General sa pamamagitan ng AAB Management Service at Insurance Intermediaries Inc. noong Hulyo 9, 2021.
Walong araw lamang matapos magpadala ng SOS sa pamamagitan ng Abizo OFW App, ang pagbalik ni Lopez sa Pilipinas ay naproseso at naaprubahan, salamat sa Abizo OFW App. “Sa wakas uuwi na ako. Maraming salamat sa POEA, ABIZO OFW App team, at sa AAB Management Service and Insurance Intermediaries Inc., na kumakatawan sa mga kumpanya ng Fortune Life at Fortune General,” ani Lopez. Ang airfare ni Lopez pabalik ng Pilipinas mula sa Fiji Island, (na mas mahal ang presyo dahil sa lockdown) ay natustusan nang buo sa ilalim ng “Repatriation Benefit” ng saklaw ng kanyang insurance benefit.
Dumating si Lopez sa Pilipinas noong Agosto 20, 2021, at kasalukuyang na-quarantine sa Cebu. Nakatakdang siyang sa Maynila sa unang linggo ng Setyembre at magpatuloy sa pagsasampa ng kaso laban sa kanyang dating employer sa POEA.
Abizo OFW Pilot Program
Ang kaso ni Lopez ay isa lamang sa maraming halimbawa kung paano nakabubuti ang Abizo OFW App at ang Global Monitoring Pilot Project ng POEA para sa mga bayaning OFW. Ito ay nagbibigay suporta sa mga OFW na nangangailangan ng kritikal na tulong dahil sa hindi kanais-nais na kalagayan sa trabaho, pati na rin ang iba pang emergencies, habang nasa labas sila ng Pilipinas.
Ang Abizo OFW App ay nagbibigay kapangyarihan sa POEA, DOLE, Philippine Overseas Labor & Office (POLO), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), at Department of Foreign Affairs (DFA) na masubaybayan ang kalagayan ng mga OFW sa ibang bansa at agad na makapagbigay ng napapanahong tugon sa kanilang pangangailangan sa pamamagitan ng real-time data. Hinihimok ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III ang lahat ng mga OFW na na makilahok sa Pilot Program, sa pamamagitan ng Abizo OFW App, upang mas ma-monitor ng mabuti ang kanilang sitwasyon sa ibang bansa.
WATCH: ABIZO OFW APP is part of the OFW Global Monitoring Pilot Project of the POEA. 👇👇👇 pic.twitter.com/7s8Y51Olm2
— Abizo OFW (@Abizo_Ofw) August 13, 2021
Ang Abizo OFW mobile app ay isang makabagong solusyon na gumagamit ng mobile at social networking technology upang masubaybayan ang pagdating at pag-alis ng mga OFW, at malaman ang kanilang updated contact information dito sa Pilipinas at sa kanilang host country para sa mabilis na pag-aksyon sakaling sila’y mangailangan ng tulong. Ang Abizo OFW App ay mayroon ding integrated call center service na pinamamahalaan ng Navigate Global Marketing Asia Inc. para sa emergency response na siyang nakikipag-ugnayan sa iba’t ibang mga ahensya ng gobyerno at international emergency service providers.
“Nais ko talagang tulungan ang POEA upang maikalat ang impormasyon tungkol sa Abizo OFW App. Nais kong pag-usapan at personal na makausap ang iba pang mga OFW upang makaayon sa Pilot Program. Nakikita ko ang isang malaking potensyal sa app na ito na makatutulong talaga sa aking mga kapwa OFW,” sabi ni Lopez.
Karagdagang benepisyo ng Compulsory Insurance
Kapag nagpasya ang isang OFW na bilhin ang Compulsory Insurance, tatanggap siya ng mga benefit packages na makatutulong para sa claims, partikular ang death o kamatayan (natural o accidental), permanent disability, subsistence allowance, compassionate visit, repatriation expenses, at iba pang emergency services.
Ang OFW ay makakatanggap ng:
- hindi bababa sa Fifteen Thousand United States Dollars (US$ 15,000.00) survivor’s benefit na matatanggap ng beneficiaries ng OFW (Accidental Death)
- hindi bababa sa Ten Thousand United States Dollars (US$ 10,000.00) survivor’s benefit na matatanggap ng beneficiaries ng OFW (Natural Death)
- hindi bababa sa Seven Thousand Five Hundred United States Dollars (US$7,500) disability benefit na matatanggap ng beneficiaries ng OFW.
Agad namang ipatutupad ang pagpapauwi (repatriation) sa OFW, kasama na ang pagdala ng kanyang personal na mga gamit, sa mga kadahilanang pag-terminate ng employer nang walang anumang wastong dahilan o ng empleyado na may makatarungang dahilan.
Sa kaso ng pagkamatay, ang insurance provider ng siyang mag-aayos at magbabayad para sa pagpapauwi sa labi ng OFW. Ang insurance provider ay dapat ding magbigay ng anumang tulong na kinakailangan sa transportasyon, kasama ngunit hindi limitado sa, ang paghahanap ng isang lokal at lisensyadong funeral home, mortuary o direct disposition facility upang ihanda ang katawan para sa pagdadala, pagkumpleto ng lahat ng dokumentasyon, pagkuha ng mga legal na clearances, pagkuha ng mga serbisyo sa konsulado, pagkuha ng death certificate, pagbili ng kabaong o lalagyan para sa air transportation ng labi ng OFW, pati na rin ang pagdadala ng mga labi sa funeral home.
Ang Compulsary Insurance coverage na ito ay 24/7, at maaring magamit habang ang OFW ay nasa bansang pinagtatrabahuhan, nasa trabaho man o nasa off day/bakasyon.
Mga benepisyo ng Abizo OFW App
Sa pamamagitan ng Abizo OFW App, ang mga OFW ay maaari ring magpadala ng emergency alerts at incident reports, at lumahok sa mga survey upang matulungan ang POEA na subaybayan ang kanilang kalagayan sa pamumuhay at pagtatrabaho. Ang isa pang tampok ng app ay ang Pilot Red Button na bumubuo ng isang simulation process of communication upang agad na matugunan ang mga hinaing ng mga OFW.
Ang Abizo OFW App ay hatid ng Advanced Abilities at Galileo Software Services, Inc., isang tech company na nakabase sa Ortigas Center, Pasig, at itinatag noong 2011 upang makabuo ng mga teknolohiya na makatutulong sa kaligtasan ng mamamayan.
Ang Abizo OFW App ay maaaring i-download nang libre sa pamamagitan ng Google Play at App Store. Bisitahin ang kanilang mga social accounts para sa karagdagang impormasyon:
FACEBOOK @ABIZO OFW | INSTAGRAM @ABIZO_OFW | TWITTER @ABIZO_OFW
Paano mag download panoorin ang video na dito