Para po mas malinaw sa inyo mga kabayan, narito ang advisory ng POLO KUWAIT ( na ngayon ay DMO na or Department Migrant Office patungkong sa Indemnity na sinalin natin sa wikang Pilipino.
Alinsunod sa panukala noong 24 ng Agosto 2021 patungkol sa hiling na indemnity ng mga domestic workers, kami ay magbibigay ng Q&A na sasagot sa mga madalas na tanong na aming natatanggap.
Tanong: Ano and Indemnity?
Sagot:Ang Indeminity ay and ‘end of service’ payment ng mga domestic workers na dapat nilang matanggap pagkatapos ng kanilang kontrata. Ito ay nakasaad sa Article 23 ng Domestic Worker Law ng Kuwait.
Ang Domestic Worker Law ay ipinatupad noon June 2015 ngunit ang epekto nito ay naramdaman lamang noong July 1, 2017.
Tanong: Sinu ang pweding makatanggap ng Indemnity?
Sagot: Ang mga kasambahay na nagtrabaho sa iisang amo simula 1 Hulyo 2017, kung kailan nagkabisa ang Batas Kasambahay ng Kuwait.
Tanong: Paano kinikwenta ang Indemnity?
Sagot: Ganito kinukuwenta ang halaga ng matatanggap na indemnity: Sa bawat isang taon ng serbisyo ay may indemnity na katumbas ng isang buwang suweldo, sa kondisyong natapos ng kasambahay ang kanyang dalawang-taong kontrata sa kaparehas na amo.
Tanong: Sino and magbabayad ng indeminity?
Sagot: Ang indemnity ay babayaran ng Amo.
Tanong: Paano makukuha ang iyong indemnity?
Sagot: Importanteng makipag-usap muna sa Amo tungkol sa bagay na ito. Kapag ang employer ay tumangging magbayad ng indemnity, maaaring bumisita ang empleyado sa tanggapan ng Philippine Overseas Labor Office in Kuwait or mag-email dito sa [email protected].
Tanong: Ano ang kailangan para makapag-file ng reklamo patungol sa indemnity?
Sagot: Ang mga bagay na to ang magsisilbing requirements sa pag-file ng indeminity.
- Kopya ng iyong kontrata kung saan merong pirma ng employer at worker. Ito ay dapat din biripikahin ng POLO;
- Kopya ng iyong employment contract na may pirma mo at ng iyong employer.
- Kopya ng iyong Civil ID.
- Kopya ng iyong passport.
Narito ang kopya sa baba ng advisory na maari niyo ipakita sa inyong mga Amo
Panoorin ang video na nagpaliwanag dito.
Mgandang umaga po..makuha ko va endemnity ko na patay na amo kong syang nakpangalan sa contrata ko..at nagtrabaho ako sa kanila mula march 5 2014 gang ngayon..at 2016 finish contract n ako..pero di po ako ngvacation stay lng ako saamo ko.pero di nerenew contrata ko ..sabi kong erenew ayaw na daw..gang ngayon andito pa ako zaamo ko.mama nlang ang natera kase patay na si amo kong kalaki..at ang nagbigay ng sahod ko ay anak ng amo ko.sya na rin nagpa vesa saakin…pero wala pong bagong contrata..paano po yan..pwede b ako mka claim sa endemnity ko sa ganitong situation?.wala din po akong day off.para mka vicita sa office nyo. Nyo…..
ito po fb ko..felly Velo…my wattsap number.50974608.sana matulongan nyo po ako.salnat po at mbuhay po kayo….
Paano kung ayaw talagang ibigay o hindi sila sunud-sunod kase sa isip nila paper lang po yan kahit yung mga naka sulat dyan ayaw nila sundin e…
Hi po tanong ko lang kung paano makukuha ang endimnity gayong tapos na contrata ko at andito na ako sa pinas sinabi ko na rin yan dati sa amo ko pero di pa rin nagbigay..sana matulongan nyo ako kasi single mom ako may 2 anak.thank you po..
Hi poh, gandang umga. Ung kain poh.. Ngpashuon aqoh.tpos nnalo na qoh sa shuon. Ang tnging bukod tnging dpt ibgy poh ng old employer qoh.ung old employer qoh poh.. Kso poh.. Tuwing ttawg aqoh ayw nila mkipag-ugnyan sa kin… Ilng months na poh aqoh wla sa knila., last yr. Pq poh.. At ntpos ung case.. Wla pa sa kin ung indemnity qoh. Nsbi qoh na rin sa new emplyer qoh Yan. At ung old employer qoh bgo nila daw ibgy ubg Pera qoh need muna nila ng copy ng document na file qoh sa shuon… Anu poh ang dpat qng gwin…?
Pwde rin po ba yan dito sa bansang Bahrain.. sabi kc ng iba Depende sa amo kung ibibigay or hnd .. straight 4 years po ako sa amo ako balak ko na po hnd bumalik..
Paanu po Kong Hindi ibigay indemnity? Anu po dapat gawin?
Hello po Sir
Iba po ba Ang 2months vacation fee sa indemnity?
THANK you po
Paano po Kung iba ung tinutuluyan ko ngyun. Hindi Yung nASA kontrata ko. Makukuha kopa ba Yung indemnity ko. Pasagot po Ng tanong q salamat po …
Cnbi ko sa amo ko. Sbi ng amo nmin klngn daw umabot kmi ng 10 yrs bgo sya mgbigay ng end of service
Sa mga kasambahay lng ba to law or sa lahat po ng worker dito sa kuwait.