Tatlong Hakbang Sa Pagkuha ng Philippine National ID

Ang Pilipinas ay maglulunsad ng National ID kung saan ito ay magiging pruweba ng pagkakakilanlan ng isang Pilipino.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), mas magiging madali ang pagkuha ng national ID sapagkat maaari ka nang mag rehistro dito online. Ang PSA ay nagsagawa ng online registration simula ngayong araw, April 30.

Ayon sa PSA, ang pagkuha ng national ID ay napakadali lamang. Ito ay sa pamamagitan lang ng tatlong mga hakbang

  1. Ang mga aplikante ay dapat magparehistro ng kanilang impormasyon sa online portal ng PSA para sa kanilang national ID. Ang mga impormasyon na kailangan sagutan ng maayos ay ang mga sumusunod;
  • Buong pangalan
  • Kasarian
  • Petsa at Lugar ng kapanganakan
  • Blood Type
  • Tirahan
  1. Ang ibang impormasyon kagaya ng email address, marital status at iyong numero ay kailangan mo ding ibigay. Pagkatapos magbigay ng mga naturang detalye, ang aplikante ay maari nang tumungo sa susunod na hakbang.

 

Kailangan mong mag set ng appointment kung kailan ka makakapunta sa pinakamalapit na physical registration center para doon mag bigay ng biometrics information. Isang paalala lamang, ihanda ang mga kinakailangan dokumento kapag pupunta na sa physical registration center para sa iyong appointment.

  1. Sa pangalawang hakbang, ikaw ay kukuhanan ng biometric information kagaya ng fingerprint, litrato, at iris scan. Ito ay kukunin pagdating mo sa iyonng napiling physical registration center. Ang ibang supporting documents ay kinakailangan ding dalhin dahil ito ay titignan din.
  2. Ang pangatlong hakbang ay ang pagbibigay ng PhilSys Number (PSN) at ng PhilID.

“Ang inyong PSN at PhilID ay ide-deliver ng PHLPost sa inyong tahanan! Paalala lamang po na huwag i-post sa social media ang inyong PhilID dahil ito ay naglalaman ng inyong personal na impormasyon,” saad ng PSA sa kanilang online post.

Para naman sa physical registration centers, ang PSA ay maglalagay ng mobile registration centers sa iba’t ibang lugar.

“Currently, PSA is in coordination with LGUs, government agencies, and private sector to determine these locations,” saad ng statistical authority.

“Further updates on the exact locations of registration centers will be released prior to the opening of PhilSys registration.”

Mga Kailangang Dokumento

Pangunahing Dokumento

  • PSA-issued Certificate of Live Birth
  • 1 government issued ID (Passport, GSIS/SSS ID, Driver’s License)

Iba Pang Kailangang Dokumento

PSA-issued Certificate of Live Birth/NSO-issued Certificate of Live Birth with Birth Reference Number (BreN)

LCRO-issued Certificate of Live Birth

PSA-issued Report of Birth

PSA-issued Certificate of Foundling

Integrated Bar of the Philippines (IBP) Identification Card

Professional Regulatory Commission (PRC) ID

Seaman’s Book

Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ID

Senior Citizen’s ID

SSS ID

Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ID

License to Own or Possess Firearms (LTOPF) ID

NBI Clearance

Police Clearance/ID

Solo Parent’s ID

PWD ID

Voter’s ID

Postal ID

Taxpayer Identification Number (TIN) ID

Philhealth ID

Philippine Retirement Authority (PRA)-issued Special Resident

Retiree’s Visa (SRRV)

National ID from other countries

Residence ID from other countries

Meanwhile, the following identification documents will also be considered secondary supporting documents as long as it has a front-facing photograph, signature/Thumbmark, Full Name, Permanent Address, and Date of Birth.

Employee ID

School ID

Barangay Clearance/Certificate

Barangay ID

City/Municipal ID

Source: PSA

Related Posts

What Can You Say About This?

Comments

Add Comment