Isang OFW sa Jordan ang diumano’y sinaktan ng asawa ng Philippine Labor Attache

Isang OFW sa Jordan ang diumano’y sinaktan ng asawa ng Philippine Labor Attache sa Amman, Jordan.

Dahil wala nang ibang mapaghingan ng tulong, napag-isipan ni Honey Lyn Baguiran na i-post sa social media ang kanyang karanasan sa asawa ng Labor Attache sa Jordan.

“Hindi ko alam kung may tutulong sa akin dito. ‘Di ko deserve na mabugbog at mapagbintangan nakipag-relasyon sa  isang (labor attaché) dito sa  Amman, Jordan,” sabi ni Baguiran habang umiiyak sa isang Facebook video.

Kinilala ni Baguiran ang taong nagpahirap sa kanya sa pangalang Olivia, asawa umano ni Jainal Rasul Jr., ang Labor Attaches a Jordan.

Nanghihingi din ng proteksyon si Baguiran para sa kanya at sa kamag-anak niya na nasa Davao City matapos ang kontrobersyal niya na pag-amin.

Inakusahan umano ni Olivia na may relasyon sila ng Labor Attache, bagay na mariing itinanggi ng biktima.

Sa isang pagkakataon umano ay inatake ni Olivia ang OFW at pinagbantaan ito na papatayin pati na rin ang kanyang pamilya sa Pilipinas. Ang unang insidente umano ay naganap noong June habang ang pangalawa ay nito lamang Feb. 28. Sa pangalawang insidente, ipinagbigay alam na ni Baguiran ang pangyayari sa Department of Labor and Employment (DOLE) nitong March 10.

“Tulungan niyo po ako pati pamilya ko. Sabi ng asawa niya papatayin niya daw po ako. Natatakot  ako hindi ko alam kung saan ako hihingi ng tulong,” saad ni Baguiran.

Sabi naman ng kapatid ng OFW na si Honey Mae Caspillo, ay nakulong ang kanyang kapatid sa Jordan ng dalawang araw sa kasong pag-blackmail umano sa mag-asawang Rasul. Pagkatapos makalabas ng kulungan ay binigay ng biktima ang video sa kanyang kapatid na siya naman ng post nito sa Facebook.

Si Baguiran ay nagtatrabaho sa Jordan bilang translator sa isang recruitment agency. Hindi umano siya nakaranas ng paghihirap habang nagtatrabaho doon hanggang sa makilala niya si Olivia.

See video

Related Posts

What Can You Say About This?

Comments

Add Comment