“Huwag Munang Umuwi ng Pilipinas” – Sabi ni OWWA Chief Leo Cacdac Sa Mga Pilipino Na Nasa Ibang Bansa

Dahil sa lumalalang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, sinabihan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang mga OFW na huwag munang umuwi ng upang huwag nang madagdagan ang mga taong nasa hotel quarantine facilities.

“My advice to our beloved OFW: kindly postpone your planned trip to our dear country, because there’s an increase in the new cases of Covid-19 and the escalation of stayers in our hotel quarantine facilities,” ayon kay OWWA chief Hans Leo Cacdac.

Sa kasalukuyan, nakapagtala ang Pilipinas ng karagdagang 7,999 COVID-19 cases sa loob lamang ng 24 oras. Ito ang kasalukuyang pinakamataas na bilang ng COVID-19 patients sa isang araw. Ang kabuohang bilang ng pasyente na may COVID-19 sa Pilipinas ay tumaas na sa 656,056.

Samantala, sinigurado ni Cacdac na naghahanap sila ng ibang hotel na magiging karagdagang quarantine facility para sa mga uuwing OFWs.

“If it’s possible, postpone your scheduled trip to the country,” saad ni Cacdac.

Sa memorandum circular na inilatag ng National Task Force against COVID-19 noong Biyernes, pinapayagan nang pumasok sa Pilipinas ang mga Pilipino galing ibang bansa. Ito ay sa gitna ng isinasagawang temporary travel ban na ipapatupad simula March 22 hanggang April 21 nitong taon.

Related Posts

What Can You Say About This?

Comments

Add Comment