Public Advisory : Change In Embassy Office Hours

Ipinapaalam ng Embahada ng Pilipinas sa Kuwait ang mga aplikante ng pasaporte ng may kumpirmadong online appointment, at ang mga magwa-walk-in para sa passport releasing na ang bagong oras ng opisina ng Embahada ay mula alas-7 ng umaga hanggang alas-11 ng umaga simula 3 Hunyo 2020 (Miyerkules). Ang mga may kumpirmadong online appointment ngayong 3 at 4 Hunyo 2020 ay maaaring pumunta sa Embahada ng kasing-aga ng alas-7 ng umaga.

Bilang dagdag, pinapakiusapan ng Embahada ang mga aplikante ng pasaporte ng may kumpirmadong online appointment na tandaan ang mga sumusunod na paalala:

  1. I-SAVE ANG SCREENSHOT ng kanilang kumpirmadong petsa at oras ng kanilang appointment mula sa online appointment website at/o I-PRINT ANG KANILANG NAPUNANG APPLICATION FORM mula sa website.
  2. Tingnan ang listahan ng mga requirement para sa aplikasyon at renewal ng pasaporte sa opisyal na website ng Embahada: http://kuwaitpe.dfa.gov.ph.
  3. IHANDA ANG SAKTONG BAYAD para sa kanilang application fee (KD19.500 para sa passport application/renewal lamang, and KD26.000 para sa passport renewal na may kasamang passport validity extension).
  4. Magdala ng nakaboteng tubig o iba pang inumin, at pamaypay bilang panlaban sa init ng panahon.

Tulad ng naka-post sa mga opisyal na social media account ng Embahada noong 30 Mayo 2020, tanging mga online appointment slot mula 1 hanggang 4 Hunyo 2020 ang binuksan sa publiko. Ibig sabihin nito, ang lahat ng mga online appointment na naka-iskedyul para sa taong 2021 ay hindi kikilalanin ng Embahada.

Inaabisuhan ng Embahada ang lahat na i-follow ang mga opisyal na account nito sa Facebook (www.facebook.com/PHinKuwait) at Twitter (www.twitter.com/PHinKuwait) para sa mga susunod na abiso ukol sa pagbubukas ng mga online appointment slot para sa mga natitirang araw ng Hunyo 2020.

SEE ALSO : ONLINE APPOINTMENT SYSTEM FOR PASSPORT APPLICATIONS AND RENEWALS

Source KuwaitPe

Related Posts

What Can You Say About This?

Comments

Add Comment