Mahalagang Paalala Mula Sa Embahada Ng Pilipinas Sa Kuwait

Malungkot na ipinapaalam sa Filipino community ng Embahada ng Pilipinas sa Kuwait na dahil sa naantalang pagpapatupad ng online appointment system para sa pag-a-apply at pagre-renew ng pasaporte, hindi agad maibabalik ng Embahada ang serbisyo nito para sa passport application at renewal. Isang hiwalay na public advisory ang ilalabas sa mga opisyal na website at social media account ng Embahada, sakaling maisasapubliko na ang online appointment website.

Sa halip, mula 26 Abril 2020 ay itutuloy ng Embahada ang paglalabas ng mga bagong pasaporte para lamang sa mga emergency case, partikular ang mga may hawak ng pasaporte o residence visa na nawalan na ng bisa, mula alas-9 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon maliban sa weekend. Ang mga oras na ito para sa passport releasing ay maaaring magbago kung maibabalik na ng Embahada ang passport application at renewal.

Bilang pangwakas, muling umaapela ang Embahada sa mga Pilipinong paso na ang residence visa o ang mga may absconding case na mag-apply para sa programang amnestiya ng pamahalaan ng Kuwait. Mag-iisyu ang Embahada ng Travel Document para sa mga walang pasaporte, at Report of Birth para sa mga batang walang papeles mula alas-9 ng umaga hanggang alas-11 ng umaga ngayong 26-30 Abril 2020. Ang karagdagang impormasyon ukol sa programang amnestiya ay makikita sa COVID-19 webpage ng Embahada: http://kuwaitpe.dfa.gov.ph/covid19

Via PH Embassy Kuwait 

Related Posts

What Can You Say About This?

Comments

Add Comment