Isa na namang buhay ang nasayang matapos umanong abusuhin at patayin ng kanyang amo ang isang OverseasFilipino Worker (OFW) sa Kuwait.
Ang biktima ay kinilalang si Constancia “Connie” Dayag mula sa Dalenat, Angadanan, Isabela na uuwi na sana noong May 16 sa Pilipinas matapos ang apat na taong pagtatrabaho sa Kuwait.
Ang biktima ay 47 taong gulang at nag-iisang magulang sa kanyang tatlong anak.
Si Constancia ay may dalawang anak na babae at isang anak na lalaki na ngayon ay may asawa na. Ang pangalawana nagngangalang Lovelyn Jane ay nagtatrabaho bilang accountant sa Makati samantalang ang bunso ay nag-aaral pa lamang bilang Grade 8.
Ayon sa kanyang pangalawang anak na si Lovely, nakaplano na ang pagsalubong niya sa kanyang ina sa airport
ngunit nung gabi bago ang kanyang itinakdang pagbabalik ay hindi na umano niya ma kontak ang ina.
Nalaman na lamang ni Lovely sa isang kamag-anak nila na wala na ang kanyang ina, isang balita na hatid umano ng isang kawani ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Bago pa man nawalan ng buhay ang kanyang ina ay may nababanggit na ito na masasamang ginagawa ngemployer sa kanya ngunit nanindigan parin ito na okay lang siya.
Sa isang video call naman ay nakita ng kanyang nakakatandang kapatid na may pasa ang kanilang nanay sa mukha.
Ayon pa din sa isang report, dinala pa di umano sa ospital si Constancia ngunit idineklarang dead on arrival. Merondin daw nakitang pipino na nakaipit sa kanyang ari.
Hanggad ng pamilya na makuha ang hustisya sa pagkamatay ng kanilang kaanak.