PAUNAWA TUNGKOL SA AMNESTY PROGRAM NG BANSANG KUWAIT PARA SA MGA
DAYUHANG MANGGAGAWA NA MAG-UUMPISA SA IKA-29 ENERO AT MAGTATAPO NG
IKA-22 PEBRERO 2018.
1. Ang mga kwalipikado sa amnesty program ayon sa Immigration Department ng Kuwait
ay iyong mga manggagawang may expired visa o residency permit lamang.
2. Kung ang inyong pasaporte ay nasa inyong pag-iingat at ang inyong visa ay expired,
maaari na kayong bumili ng inyong ticket at magtungo sa airport at kayo ay
pahihintulutang makauwi ng Pilipinas (simula ika-29 ng Enero 2018).
3. Sa mga manggagawang walang pasaporte, maari po kayong mag-apply ng travel
document sa embahada. Matapos makakuha ng travel document, kayo ay isasailalim sa
fingerprinting. Kapag lumabas sa resulta ng fingerprinting na kayo ay walang anumang
kaso (Absconding, theft, o travel ban), kayo ay pahihintulutang mapabilang sa amnesty.
4. Kung pipiliin ninyo naman na huwag umuwi at magpatuloy na magtrabaho ng legal,
kailangan ninyong kumuha ng release sa inyong dating employer para sa mga visa 20 at
Shuon (Labor Arbitration Office) naman para sa mga visa 18. Bukod pa dito, kailangan
ninyo ding bayaran ang penalty para maging legal ang inyong patuloy na pagtatrabaho
sa Kuwait.
5. Sa mga kasambahsy (Visa 20) na kasalukuyang nagtatrabaho sa salon, spa at iba pand
establisimento, ipinaaalam ng Immigration Department na hindi maaaring ilipat o palitan
ang inyong visa para managing visa 18.
6. Ayon sa Immigration Department, lahat ng manggagawang makakasama sa amnesty ay
maaaring makabalik muli sa Kuwait para makapagtrabaho.
Amin pong ipaaalam sa lahat kung may mga karagdagang impormasyon pa kami na
matatanggap o kung may mga pagbabago ditto sa mga nauna na naming natukoy.
Para sa mga iba pang katanungan, maaari pong tumawag lamang ang embassy hotlines
65002612 / 98005115 o POLO hotlines 99558527/ 65786900, o kaya magsadya sa inyong
embahada sa darating na araw.
good pm sir and maam itatanung ko lang poh kong ang amnesty ba ay free ticket ito sa manga walang visa at wlang kaso kht sa labas ito nag tratrabaho