[OFW FORUM] Do i trust my OFW husband in kuwait?

Magandang umaga po. Ako po ay misis na may dalawang anak dito sa Pilipinas. Ang mister ko po ay 4 na taon na sa Kuwait na naninirahan sa isang flat sa Salmiya.

Ang una nyang inupahan dyan ay maliit na kwarto lang na landlady ay Ilipina na may kinakadamang ibang lahi. Ang Pilipinang ito ay nangngangalang G E. Ngunit sa diko alam na dahilan ay nagplano at nakalipat silang dalawa sa ibang flat na sila lang dalawa. May kabukod sila ng kwarto sa paliwanag ng asawa ko magkaibigan lang sila at gusto nya makabukod ng flat dahil para na daw sil sardinas sa higit na sampung tao sa dating inuupahan na flat.

Makalipas ang halos anim na buwan diko na kinaya ang mga dumarating na balita sa akin na galing kung kanikanino na hindi ko kilala mula dyan sa Kuwait. Nagpapadala ng pictures at message na sila ni Gina ay nagsasama bilang mag asawa. Kaya hiniling ko na paalisin nya ang babae na si Gina sa flat na yun. Nakalipat naman ng employer ang babae sa Farwaniya kaya lumipat na rin ito ng flat di umano.

Makalaipat ang 1 buwan iba na ang kasama na umuupa ng asawa ko. 1 filipina na may asawa at naanakan na rin ng isang Indian. Pero hindi rin daw kasal ang nagsasama na iyun.

Pero sa pagalis po ni Gina base na rin sa pagamin ng asawa ko nuong nahuli ko mga text sa cellphone nya na ng makaalis si Gina sa bahay nya ay nagkaron sya relasyon sa kakilala rin ni Gina na nuong nakausap ko ay Jenalyn naman ang pangalan. Mahigit 1 taon po sila papalit palit ng tinutulugan na flat minsan sa flat ng asawa ko minsan sa flat ng naging kasintahan nya na si Jen/Lyn. Nuong kinonfronta ko po sila sa isang tawag ay nangako sila na maghihiwalay na dahil na rin sa banta ko siguro na magdedemanda ako kapag hindi sila naghiwalay. Never binigay ng asawa ko buong pangalan ni Jenalyn dahil hindi daw nya alam.

Eto po ang tanung ko. Hangang ngayon po ay nandyan sa Kuwait ang asawa ko. Anu at paanu po ako makakauha ng document na masusulat na sya ay hindi kinasal dyan? Magigit 1 taon na po nakalilipas mula nv mahuli ko sila. Gusto ko sya patawarin pero gusto ko rin makasigurado na di ito natulad sa naitago nya sa akin ang relasyon nila ng higit rin sa isang taon.

Maari nyo po ba ako matulungan? Wala ba dyan document na CeNoMar kagaya dito sa Pilipinas.

O wala ba document ang isang flat na masusulat kung ang nangungupahan ay bachelor o isang pamilya.

Ang pangalan nga po pala ng asawa ko ay Bernard. Hanggang ngayon po kasi may mga naglalakas loob pa rin na kontakin ako at sabihin na may kinakasama dyan ang asawa ko pero di ako naniniwala kasi diko sila kilala at gusto ko magtiwala sa asawa ko kesa mga natawag nagpapadala ng pictures o text na diko naman kilala. Baka kasi sinisiraan lang nila asawa ko.

Sana po maintindihan nyo sitwasyon ko. Tulungan nyo po ako ayaw ko po kami maghiwalay pero gusto ko maitama at maisalba ang asawa ko kung mayroon sya masama at maling ginagawa. Alang alang na rin po sa pamilya namin.

Salamat po.

Anonymous

Kung mayroon kayong tanung na maari nating i post sa ating page maari lamang po na padala niyo sa amin.Para masagot kayo ng ating mga tagasubaybay para mapayuhan kung anung inyong dapat gawin.G
 
Ganun paman desisyon niyo parin ang masusunod.
God bless

Send you letter here!

Related Posts

What Can You Say About This?

Comments

Add Comment